Tinawag ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang pansin ng Department of Health (DOH) na bigyan ng personal protective equipment ang mga health workers sa mga public hospitals.
Ayon kay TUCP President at Party-list Representative Raymond Mendoza, may mga health workers sa iba’t ibang hospital ang nagdadalawang isip na mag duty dahil sa pakiramdam na ma-expose sa virus dahil walang kagamitan na pang proteksyon sa nCoV.
Aniya ni Mendoza, naiparating sa kanila na wala pa ring aksyon ang ang ilang concerned government unit sa hinihiling nilang inventory ng suplay ng gloves, N95 face masks, eye protection goggles, at respirators na magagamit ng mga first responders na umaasikaso sa mga person under investigation (PUI).
Kinalampag ng TUCP ang mga provincial, city, at mga municipal local government units na gawing prayoridad ang pagtitiyak na may sapat na supply ng personal protective equipment para sa mga public sector doctors, nurses at public health workers na isinasabak nika upang malabanan ang paglaganap ng 2019 nCoV.