Pinapurihan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang pagwawakas ng labor dispute sa loob ng pabrika ng pampalasa o condiments na NutriAsia.
Ginawa ni TUCP President Raymond Mendoza ang pahayag kasunod ng pagkakalagda 5-year Collective Bargaining Agreement sa pagitan ng NutriAsia Inc., at ng All Workers Trade Unions-Trade Union Congress of the Philippines o AWATU-TUCP.
Ayon kay Temistocles Dejon Jr., President of AWATU-TUCP, kuntento sila sa mga napagkasunduang terms and conditions na nagtatakda ng security of tenure, guaranteed phased increases sa pasahod, union benefits at social protection insurance.
Aniya, isa sa mahalagang component ng CBA ay ang paglalagay ng grievance mechanism platform para mapag-usapan ang isyu sa paggawa.
Magugunita na nabalot ng tensyon ang NutriAsia noong Hulyo ng 2018 matapos na mauwi sa marahas na pagbuwag ng mga otoridad ang welga ng mga manggagawa sa pabrika ng NutriAsia sa Marilao, Bulacan.