Tiwala ang Trade Union Congress Of The Philippines (TUCP) na aaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Consolidated Bill ng Kamara at Senado tungkol sa expanded maternity leave .
Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza, may inaprubahan nang ordinansa ang Pangulo noong siya ang alkalde pa ng Davao City na nagbibigay ng 90 araw na maternity leave sa lahat ng babaeng empleyado sa public at private sector.
Kapag nilagdaan ng Pangulo ang panukalang batas, magiging 105 araw na ang maternity at infant protection.
Ayon naman kay Associated Labor Unions Vice President Eva Arcos, noong 2016 inihayag ng pangulo na pabor siya sa mungkahi na pahabain ang maternity leave.
Naniniwala siya na dapat mabigyan ng sapat na panahon ang mga working mothers para makapagpahinga at sapat na panahon para sa breastfeeding ng kanilang sanggol.