Nanawagan ang labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang gaming operations ng PCSO.
Ito ay para sa mga mahihirap na nangangailangan ng tulong pinansyal mula sa ahensya.
Umaasa si TUCP spokesperson Alan Tanjusay – na magbabalik sa normal ang operasyon ng PCSO upang ang mga mahihirap at may sakit ay mabigyan ng medical support at financial assistance.
Sa ngalan ng mga PCSO workers na nawalan ng trabaho, umaapela sila sa Pangulo na pabilis ang proseso ng paglilinis sa ahensya na laganap ang katiwalian.
Facebook Comments