Monday, March 23, 2026

TUCP, umapela sa dalawang kapulungan ng Kongreso na magsagawa ng special session para maipasa ang Wage Hike Bill

Nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Senado at Kamara na magsagawa ng special session upang agarang maipasa ang panukalang batas para sa 200 pesos na dagdag sa arawang sweldo ng mga manggagawa.

Apela ito ni House Deputy Speaker TUCP Party-list Representative at TUCP Party-list Representative Raymond Democrito Mendoza na syang pangunahing may-akda ng House Bill No. 88 na nagsusulong ng 200 pesos legislated daily minimum wage increase.

Ipinunto ni Mendoza na ang mga manggagawa ang unang sumasalo sa krisis ngunit sila rin ang huling natutulungan.

Ayon kay Mendoza, tama lamang na magbigay ng ₱5,000 ayuda sa mga tsuper at manggagawa sa pampublikong transportasyon, pero paano naman ang mahigit limang milyong minimum wage earners na araw-araw napipilitang mamili kung pagkain ba, pamasahe ba, o pag-aaral ba ng mga anak ang uunahin.

Nagsimula na ngayong linggo ang recess ng session ng Kongreso na magbabalim sa hanggang sa May 4.

Facebook Comments