May 10 araw si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr., para tumugon sa liham na ipadadala ng House Committee on Ethics na pinamunuan ni COOP-NATCCO Party-list Rep. Felimon Espares.
Sabi ni Espares, sa oras na matanggap nila ang tugon ni Teves ay saka pa lang magpupulong muli ang komite para pagpasyahan ang susunod na hakbang.
Tatalakayin sa pulong kung ano ang parusa na ipapataw kay Teves na dalawang beses nang sinuspinde ng Kamara ng tig-30 araw.
Huling nagpulong ang komite noong August 1 para i-acquire ang hurisdiksyon sa kaso ng hindi pagbalik ni Teves sa bansa at hindi pagsipot sa Kamara kahit napaso na noong March 9 ang authority to travel nito.
Facebook Comments