Tugon ni Pangulong Duterte sa hirit na muling pagbabalik ng Lotto, hinihintay na ayon sa PCSO

Hiniling ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan na nito ang muling pagpapatuloy ng operasyon ng Lotto sa bansa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na nagpadala na sila ng liham kay Pangulong Rodrigo Duterte at hinihintay na lang nila ang tugon nito.

Matatandaang tatlong buwang suspendido ang mga palaro ng PCSO partikular ang Lotto, Keno, Sweepstakes, Swertres, Easy 2 at Small Town Lottery dahil sa pinairal na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at karatig lalawigan nito.


Sakaling payagan na ng Pangulo ang pagbabalik operasyon ng Lotto, tiniyak ni Garma na mahigpit nilang susundin ang minimum health standards ng pamahalaan.

Facebook Comments