TUGON SA PANGANGAILANGAN | DSWD, nag-isyu ng supplemental guidelines para dagdagan ang wage rate ng mga benepisyaryo na nagtatrabaho sa ilalim ng cash for work program sa Albay

Manila Philippines – Nagpalabas ng supplemental guidelines ang Department of Social Welfare and Development para dagdagan ang wage rate ng mga benepisyaryo na nagtatrabaho sa ilalim ng Cash for Work Program sa lalawigan ng Albay.

Gagawin na itong 100 porsiyento mula sa 75 na base sa prevailing regional minimum wage rate na P290 kada araw para sa Bicol Region.

Layon nito na palakasin ang ipinatutupad na cash-for-work sa mga pamilyang biktima ng pagsabog ng Mayon volcano.


Ayon kay DSWD Officer-In-Charge Emmanuel Leyco tinaasan ang rate ng assistance bilang tugon sa mga kasalukuyang kondisyon na kinakaharap ng mga evacuees at komunidad para makatugon sa kanilang pangangailangan.

Ang CFW ay isang panandaliang interbensyon na ipinatupad ng DSWD upang magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga pamilya habang nasa mga evacuation centers.

Ang bawat benepisyaryo ng cash for work program ay makakatanggap ng P290 kada araw na sahod sa loob ng 10 araw na trabaho alinsunod sa nilagdaang memorandum of agreement sa pagitan ng DSWD at Local Government Units sa lalawigan ng Albay kamakailan.

Facebook Comments