Tuguegarao Airport, napinsala ng Bagyong Florita

Naglabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng dalawang Notices to Airmen (NOTAM) kaugnay ng epekto ng Bagyong Florita sa mga paliparan sa Northern Luzon.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, ang unang NOTAM ay hinggil sa pansamantalang pagsasara ngayong araw ng Tuguegarao Airport.

Ito ay para bigyang-daan ang pagsasaayos ng bubong matapos itong magkaroon ng butas dahil sa pananalasa ng bagyo.


Habang ang ikalawang NOTAM ay hinggil sa pagsusuri sa Flight Service Station (FSS) o ang air traffic facility para sa pagkuha ng impormasyon ng mga piloto.

Ito ay bukod sa function ng Air Traffic Control (ATC).

Hinihintay naman ng CAAP ang report sa sitwasyon sa iba pang mga paliparan sa Regions 1 at 2.

Facebook Comments