Tuguegarao City Airport, Bukas na para sa Commercial Flights

Cauayan City, Isabela- Binuksan na para sa commercial flights ang Tuguegarao City Airport matapos ang pagsasara nito ng halos isang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Unang tinanggap sa muling pagbubukas ng airport ang flight ng Cebu Pacific na dala ang mga Sinovac vaccines na tinanggap ng mga opisyal ng rehiyon dos.

Una nang nag isyu ng executive orders ang pamahalaang panlalawigan at panlungsod kaugnay sa pagbubukas ng city domestic airport para sa commercial flights.


Ayon naman kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Manager Mary Sulyn Sagorsor, pinaghandaan na nila ang mga dapat gawin at sundin gaya ng standard protocols ng national IATF para sa kanilang muling operasyon.

Magkakaroon lamang umano ng dalawang (2) flight schedules at ito ay ang araw ng Biyernes at Lunes.

Pero, sinuguro naman ni Sagorsor na sa mga susunod na araw ay madadagdagan pa ang bilang ng flight schedules.

Facebook Comments