Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, August 8, 2022.
Kaugnay nito, naitala naman ang 70 na gumaling sa sakit, mas mataas kumpara sa bilang ng nagpositibo na pumalo naman sa 41.
Naitala naman ang 21 na gumaling mula sa Tuguegarao City kaya’t malaki ang ibinaba ng kaso ngunit nanatili pa ring epicenter ng virus ang siyudad sa buong lalawigan.
Samantala, kabilang sa mga lugar na mayroong karagdagang kaso ng virus ang Alcala, Allacapan, Aparri, Baggao, Buguey, Enrile, Gattaran, Iguig, Lal-lo, Solana, at Tuao.
Binawian naman ng buhay ang isang residente sa bayan ng Gattaran na naitalang ika-92 na death case sa lugar.
Patuloy naman ang paghimok sa publiko na magpabakuna upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.