Tuguegarao City, inirekomendang isailalim sa MECQ

Inirekomenda ni Cagayan Governor Manuel Mamba na maisailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Tuguegarao City.

Kasunod ito ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Hiniling ni Mamba na maisailalim ang Tuguegarao sa 30 araw na MECQ.


Kahapon, umabot na sa 586 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao na kasalukuyang nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Sa nasabing bilang, 107 ang active cases, 471 ang gumaling na habang anim ang nasawi.

Facebook Comments