Isasailalim na ang buong Tuguegarao City sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula alas-12:01 ng madaling-araw ng August 12, hanggang alas-12 ng gabi ng August 21.
Sa ilalim ng Executive Order No. 98 na ipinag-utos ni Tuguegarao Mayor Jefferson Soriano, ito ay dahil sa naitalang 31.80% na average daily attack rate na maituturing na pinakamataas sa lahat ng probinsya at siyudad ng Cagayan Valley.
Aabot naman sa 9 ang naitalang namatay sa Tuguegarao sa loob lamang ng isang araw.
Dahil sa direktiba, pagbabawalan na ang anumang pagtitipon-tipon sa lugar pero mananatiling bukas ang mga establisyemento, talipapa at night market para sa mga residente.
Suspendido na rin maging ang pampublikong transportasyon habang iiral na ang curfew mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.