Ito ay makaraang maitala ang dagdag na 101 na tinamaan ng virus kung saan walo rito ay re-exposed batay sa pinakahuling datos ng City Health Office.
Pito naman ang naitalang nakarekober sa sakit at isa ang namatay dahil pa rin sa COVID-19.
Umabot naman sa 15,915 ang kabuuang cumulative confirmed cases na naitala ng lungsod.
Isa lamang ang lalawigan ng Cagayan sa dalawang lugar kabilang ang Santiago City na nakapasailalim sa Alert Level 3 dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.
Samantala, una nang nagpalabas ng kautusan si Governor Manuel Mamba na kailangan magpakita ng vaccination card ang mga empleyado ng pampubliko at pribadong tanggapan sa pagpasok sa trabaho.
Sa kasalukuyan, mahigit kumulang 1,000 na ang bilang ng positibong kaso sa lalawigan ng Cagayan.