Tuguegarao City, Muling Isinailalim sa MECQ

15

Cauayan City, Isabela- Isinailalim na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula kaninang alas 12:01 ng madaling araw, April 20, 2021 ang Lungsod ng Tuguegarao sa Cagayan.

Magtatagal ang MECQ sa Lungsod hanggang Abril 30, 2021.


Ito’y matapos aprubahan ng Regional Inter Agency Task Force (RIATF) ang kahilingan ni Mayor Jefferson Soriano na i-extend ang MECQ status ng siyudad.

Ayon sa alkalde ng Lungsod, mas mahigpit na protocols ang ipatutupad sa pangalawang yugto ng MECQ ngayong kasalukuyang buwan ng Abril.

Facebook Comments