Cauayan City, Isabela- Nangunguna pa rin ang Tuguegarao City sa may pinakamataas na active cases na may 1,305, pumapangalawa ang bayan ng Baggao na may 254 at ikatlo ang Solana na may 237, na pawang mga nasa lalawigan ng Cagayan.
Sa kasalukuyan, nasa “high risk” pa rin ang classification ng buong rehiyon dos.
Kabilang sa mga nasa “high risk” sa rehiyon ang mga probinsiya ng Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya, gayundin ang Tuguegarao City at Cauayan City.
Nasa moderate risk naman ang Lungsod ng Ilagan at Santiago, samantalang nasa “minimal risk” pa rin ang Batanes.
Tanging ang probinsiya lamang ng Quirino ang nasa “critical risk” matapos pumalo sa 271% ang case growth change nito.
Facebook Comments