TUGUEGARAO CITY, NANGUNGUNA SA MAY PINAKAMATAAS NA AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA BUONG REHIYON DOS

Cauayan City, Isabela- Nangunguna pa rin ang Lungsod ng Tuguegarao sa Lambak ng Cagayan sa may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso.

Batay ito sa pinakahuling datos ng DOH nitong ika-10 ng Hulyo.

Bagama’t nangunguna pa rin sa listahan ang Tuguegarao City, sinabi naman ng DOH na bumababa na ang kaso nito sa nakalipas na dalawang linggo.


Pangalawa naman sa may mataas na Active cases ang bayan ng Claveria sa Cagayan na may 149.

Mayroon namang 94 active cases ang Aparri, Cagayan na pangatlo sa listahan na may maraming aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Facebook Comments