Tuguegarao City, Pinarangalan Bilang Most Business-Friendly LGU

Cauayan City, Isabela- Ginawaran bilang ‘Most Business-Friendly LGU’ ngayong taong 2021 ang pamahalaang Lungsod ng Tuguegarao.

Sa ika-47 na Philippine Business Conference & Expo of the Philippine Chamber of Commerce and Industry, nasungkit ng Tuguegarao City ang nasabing parangal sa ilalim ng Level 3 Category.

Nakitaan ng PCCI ang Tuguegarao City mula sa mga local government units sa bansa na matagumpay pa rin nitong naibabalik at napapataas pa ang operasyon ng mga negosyo sa kanilang lugar sa pamamagitan ng mga ginagawang aksyon at hakbang sa matinding hamon na dulot ng COVID-19 pandemic.


Layunin ng nasabing pagpaparangal na maipakita at maibahagi ng bawat LGU ang kanilang mga napagtagumpayan at mga ‘best practices’ sa kasagsagan ng krisis na dulot ng pandemya.

Facebook Comments