Cauayan City, Isabela- Extended pa ng pitong (7) araw ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (RCQ) ang Lungsod ng Tuguegarao simula ngayong araw, Agosto 22 hanggang hating gabi ng Agosto 28, 2021.
Pinagtibay ito ng Regional Inter Agency Task Force (RIATF) na unang napagkasunduan na palalawigin ang ECQ sa Tuguegarao City ng karagdagang pitong (7) araw kung hindi naibaba ang kaso ng COVID sa Lungsod.
Una nang ipinatupad ang 10-day ECQ noong ika-12 ng Agosto ngunit hindi ito umubra dahil lalong tumaas ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Tuguegarao na umaabot sa 1,255 as of August 21, 2021.
Kaugnay nito, lalo pang paiigtingin ang pagpapatupad ng guidelines sa ilalim ng ECQ status ng Lungsod.
Ayon naman kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, patuloy aniya ang kanilang pamimigay ng ayuda sa mga residente na apektado ng ECQ.
Kung mayroon naman aniyang pamilya na hindi nakatanggap nng ayuda ay mangyaring lumapit sa barangay upang makahingi ng tulong.