Manila, Philippines – Magsisimula na ang pagpoproseso ng Dept. of Foreign Affairs (DFA) ng passport applications tuwing Sabado sa Office of Consular Affairs sa Aseana Business Park sa Parañaque.
Sa February 10 sisimulan ito layuning matugunan ang malaking pangangailangan sa mga pasaporte.
Bukas ang ASEANA office mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Paalala ng DFA, na gumawa ng appointment sa pamamagitan ng online system ng ahensya.
Walang magiging courtesy lane facility kapag Sabado.
Facebook Comments