Tuition fee sa mga Kolehiyo at Unibersidad, hindi muna sisingilin ngayong buwan

Inanunsyo ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera na hindi na muna maniningil ng tuition fee ang mga kolehiyo at unibersidad kasunod nang pinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Sa Laging handa public press briefing sinabi ni Chairman De Vera na ito ang resulta ng pakikipag ugnayan nila sa mga kasapi ng Philippine Association of Private Schools, Colleges and Universities matapos makatanggap ng reklamo na ilan sa mga ito ang naniningil parin ng matrikula kahit na iniutos ng pamahalaan ang strict home quarantine dahil sa COVID-19.

Ayon pa kay De Vera napagkasunduan din sa pulong na staggered basis ang pagbabayad ng tuition fee sa mga susunod na buwan


Kasunod nito pinapayagan narin ng CHED ang mga private universities and colleges na i-modify ang kanilang academic calendars

Paliwanag ni De Vera waived na ang CHED regulation na kailangan muna nilang mag apruba para mabago ang school academic calendar.

Facebook Comments