Wala nang babayaran na tuition fees ang isang buong klase ng isang Chinese University sa China.
Sasagutin na kasi ito ng pinakamayang tao sa Hong Kong na si Li Ka-Shing.
Ayon kay Li, sa pamamagitan ng kaniyang charitable foundation ay walang babayaran sa loob ng limang taon ang mga bagong estudyante ng Shantou University.
Ang 90-anyos na si Li ay mayroong kabuuang yaman na $30.4 billion o 200 billion pesos, base na rin sa listahan ng Forbes.
Magsisimula ang pagbabayad ng Li Ka-Shing Foundation sa mga incoming class of 2019 ng Shantou University sa Guangdong Province sa China.
Facebook Comments