Tukoy na ng Philippine National Police ang mayari ng sasakyan na ginamit ng mga suspek sa pagpatay kay Trece Martires Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan.
Ayon kay PNP CALABARZON Regional Director Edward Caranza, nadiskubre ng mga taga PNP Crime Laboratory ang serial number ng chassis at engine ng sasakyang ginamit ng mga suspek.
Dahil ditto, napagalaman ng Pulisya na isang babae ang may ari ng sasakyan pero hindi pa ibinigay ng PNP ang pagkakakilanlan nito.
Sa panayam naman ng PNP sa babaeng mayari ng sasakyan, sinabi nitong ibinenta nya ang kanyang sasakyan, kaya naman target na ngayon sa man hunt operation ng PNP ang bagong mayari ng sasakyan.
Pero sinabi ni Carranza na magsasampa pa rin sila ng kaso sa babaeng may ari ng sasakyan dahil hindi agad ito lumantad kahit alam nyang nakapangalan sa kanya sasakyan.
Giit ni Carranza maaring masampahan ang babae ng accessory to the crime.
Sa ngayon may tatlong person’s of interest ang PNP sa pagpatay kay Lubigan.
Matatadaang si Lubigan ay pinagbabaril ng mga suspek habang sakay ng kanyang sa sasakyan sa Indang Road Brgy Luciano Trece Martires Cavite noong July 7.