TUKOY NA | Mga suspek sa pagpatay sa isang konsehal sa Cagayan, tukoy na ng pulisya

Rizal, Cagayan – Tukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng riding in tandem sa pagpatay kay Councilor Alfredo Alvarez ng Rizal, Cagayan.

Ayon kay Police Chief Superintendent Jose Mario Espino, nakilala ang mga salarin sa tulong ng kuha ng CCTV sa lugar kung saan tinambangan si Alvarez.

Aniya, lumalabas rin sa kanilang imbestigasyon na tauhan ng isang mataas na opisyal sa rizal ang dalawang suspek na patuloy pang pinaghahanap.


Sabi ni Espino, isa sa mga tinitingnang motibo sa pagpatay kay Alvarez ay pulitika.

Nabatid na tatlong taong nakulong si Alvarez dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay kay dating Mayor Raul Dela Cruz Noong 2008 at nakalaya nang ma-dismiss ang kaso.

Kwento ng anak ni Alvarez, nakatanggap na ito ng death threats.

Patuloy ang imbestigasyon ng binuong Special Investigating Task Group para maresolba ang kaso at nakikipagtulungan na rin sa amo ng mga suspek.

Facebook Comments