TULAK | Isang vendor, nahulihan ng ilegal na droga

Parañaque City – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang vendor na sinasabing suma-sideline sa pagtutulak ng droga matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Mactan St. Cor. Dimasalang St. Brgy. Baclaran, Parañaque City.

Kinilala ni Chief of Police, Sr. Supt. Leon Victor Rosete ang suspek na si Yassin Sangcopan, alyas Mansawi, 34-anyos, at nakatira sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nagkasa ng operasyon ang Paranaque Police, kasama ang ilang ahente ng PDEA kung saan nagsilbing poseur buyer ang isang pulis.


Matagumpay itong nakabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu mula kay Sangcopan na nagkakahalaga ng dalawang daang piso.

Hindi na nakapalag si Sangcopan nang dambahin at posasan ng mga operatiba habang nasa aktong inaabot ang droga sa pulis na nagpanggap na buyer.

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments