Tulak ng Droga, Huli sa Buy Bust!

Sanchez Mira, Cagayan – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang tulak ng droga matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP Sanchez Mira at PIB Cagayan PPO.

Kinilala ang lalaki na si Jasper Cachapero, kwarentay tres anyos, may asawa at residente ng Barangay Centro ,Sanchez Mira Cagayan.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Sanchez Mira, natimbrehan umano ng kapulisan ang suspek na nagbebenta ng shabu.


Dahil dito nagplano ang PNP Sanhez Mira na may magpanggap na buyer ng shabu sa suspek na nagresulta naman ng agarang pagkakadakip kay Cachapero.

Nakuha sa suspek ang isang plastik sachet na may lamang white crystalline na pinaniniwalaang shabu at ang marked money na limang daang piso.

Nasa tanggapan na ng PNP Sanchez Mira si Cachapero upang mapatawan ng kaukulang parusa.

Facebook Comments