Tulak ng Droga na dumayo sa Santiago City, mahaharap sa dalawang kaso!

33

*Santiago City-* Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 at Paglabag sa RA 10591 ang isa sa apat na tulak ng droga na nahuli ng mga otoridad kamakailan sa brgy. Batal, Santiago City matapos maisampa ng Santiago City Police Station 1 ang kanyang kaso.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rolando Gatan, hepe ng Santiago City Police Station 1, matagal nang minamanmanan ng mga pulis ang tulak na si Joseph Lao ng Tondo, Manila at ito ay matagumpay na naaresto matapos matimbrehan at mahulog sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad.

Bukod kasi sa nasamsaman ng shabu si Lao ay nakuhanan pa ito ng isang kalibre kwarentay singko ng imbel pistol.

Kabilang rin sa mga nadakip na kasama ni Lao ay sina David Tolentino ng Ramon West, San Isidro, Isabela, Pablo Corpuz ng Nagassican, Santiago City at si Amorlito Sola ng brgy. Rizal, Santiago City.

Ang apat na tulak ay kasalukuyang nakapiit sa Santiago City Police Office (SCPO).

Samantala, inihayag pa ni PCI Gatan na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pagpapatrolya sa kanilang nasasakupan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang Lungsod at naghahanda na rin para sa seguridad ngayong kapaskuhan.

Facebook Comments