Timbog sa isang anti-illegal drugs buy-bust operation ang isang 40 anyos na mangingisda at residente ng Mapandan, Pangasinan.
Ang suspek ay kabilang sa listahan ng Street Level Individual (SLI).
Nasakote ang suspek matapos magpositibo sa transaksyon ng buy-bust, na agad ikinadakip nito. Narekober mula sa kanya ang 0.8 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na nasa 5,440 pesos at iba pang ebidensya.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Mapandan MPS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Facebook Comments









