Tulak ng Droga sa Cauayan City Isabela, Patay Matapos Manlaban sa mga Otoridad!

Cauayan City, Isabela – Patay kagabi ang isang tulak ng droga matapos manlaban sa mga otoridad na nagsagawa ng drug buy bust operation sa Purok 12, Villa Luna, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Gilbert Magabulo Dichosa, dalawampu’t apat na taong gulang, at residente ng San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Batay sa impormasyong ibinahagi ng PNP Cauayan City, bigla umanong bumunot ng baril ang suspek nang mapansin na isang alagad ng batas ang nagpanggap na buyer ngunit inunahan na ito ng mga otoridad.


Sa pagresponde ng Rescue 922 ay wala nang buhay ang suspek kung saan ay nakita naman ng SOCO team sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng bala ng calibre 38.

Nakuha sa gamit ni Dichosa ang isang libong piso bilang marked money, isang motorsiklo na walang plate number, tatlong bala ng 9mm, at isang libong piso bilang marked money.

Kaugnay nito ang operasyon ng drug buy bust ay pinangunahan ni Police Inspector Zosimo Sambrano ng PNP Cauayan City at ilang tauhan ng PDEA region 2.

Facebook Comments