Tulak ng Droga sa Echague Isabela, Patay Matapos Manlaban sa Kapulisan!

Echague, Isabela – Patay ang isang tulak ng droga matapos manlaban sa isinagawang drug buy bust operation ng kapulisan kaninang madaling araw sa Brgy. Sinabbaran, Echague, Isabela.

Kinilala lamang ang suspek sa pangalang Pablo na umanoy natunugan niya na isang opisyal ng kapulisan ang nagpanggap na buyer ng shabu kung kaya’t biglang bumunot ng baril mula sa sling bag nito at pinaputukan ang pulis ngunit maswerte naman na hindi natamaan.

Sa puntong ito ay binaril ng kasama at nakapwestong mga pulis sa lugar ang suspek na nagtamo ng iba’t ibang tama ng bala sa katawan na dahilan ng kamatayan nito sa kabila na nirespondehan din ng rescue team.


Hiniling naman ng Echague Police Station sa SOCO team na magsagawa ng imbestigasyon sa pinangyarihan ng krimen.

Samantala ang operasyon ay sa pamamagitan ng pinagsanib pwersa ng PNP Echague, Regional Intelligence Division, Regional Drug Enforcement Unit at PDEA Regional Office 2.

Facebook Comments