Tulak ng Droga sa Jones Isabela, Arestado Matapos Matiktikan!

203

Jones, Isabela – Arestado kahapon ang isang trabahador matapos matiktikan ng isang impormante sa Barangay San Vicente, Jones, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Raffy Monzon, dalawamput apat na taong gulang at residente ng nabanggit na lugar.

Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan mula sa PNP Jones, ipinarating umano ng isang impormante sa himpilan ng pulisya ang pagtutulak ng iligal na gamot ng suspek sa nasabing lugar partikular sa harap ng isang malaking tindahan.

Sa pagresponde ng mga otoridad ay nagawang tumakbo ang suspek nang makita ang prisensya ng mga pulis sa lugar ngunit nahuli rin si Monzon pagkatapos ng ilang minutong paghabol sa kanya ng mga alagad ng batas.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang puting pakete ng hinihilang shabu kung saan ay kaagad na dinala ito sa himpilan ng PNP Jones para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments