Tulak ng Droga sa Minante 2, Huli sa Buy-bust Operation

Cauayan City, Isabela – Matagumpay na nahuli ang isang lalaki na pinaniniwalaang tulak ng droga sa barangay Minante 2, Cauayan City ganap alas siyete y medya kagabi matapos ang ikinasang buy bust operation ng PNP Cauayan City.

Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan News Team mula sa Investigation Section ng PNP Cauayan, nakilala ang suspek na si Angelito Tagle Abella, may asawa, 41 anyos at residente ng Purok 3, Nagrumbuan, Cauayan.

Nakatuwang ng Intelligence Operatives ng PNP Cauayan City sa nasabing operasyon ang PDEA at Police Intelligence Group.


Nakuha mula kay Abella ang isang sachet ng white crystalline na hinihinalang shabu, isang libong piso na marked money at isang kulay itim na single na motorsiklong walang plaka.

Hawak na ngayon ng PNP Cauayan ang suspek na sasailalim sa karagdagang disposisyon at inihahanda na rin ang kanyang kaso bilang paglabag sa RA 19165 o Dangerous Drug Act.

Facebook Comments