Tulak ng Droga sa San Mateo, Isabela, Arestado!

205

*Cauayan City, Isabela- *Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang lalaki matapos maaresto sa ikinasang Drug Buybust Operation ng mga otoridad sa Brgy. 2, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nadakip ang suspek na si Rodrigo Castillo, 37 anyos, single, walang trabaho at residente ng Brgy. 4, San Mateo, Isabela.


Si Castillo ay nahuli ng pinagsanib na pwersa ng PNP San Mateo at PDEA RO2 kung saan nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu at limang daang piso (P500.00).

Dinala na sa himpilan ng San Mateo Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers