Tulak ng Droga sa San Pedro, Tumauini, Nadakip!

Tumauini, Isabela- Nadakip ang isang lalaki matapos magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib pwersang PNP Tumauini, NBI at PDEA kahapon, March 22, 2018 sa Brgy. San Pedro, Tumauini Isabela.

Kinilala ang suspek na si John Mark Ramos, 33 anyos, walang asawa, at residente ng naturang Barangay.

Batay sa ibinahaging impormasyon ng PNP Tumauini sa RMN Cauayan News Team, nahuli umano si Ramos sa akto ng bentahan ang isang nagpaggap na bibili ng ipinagbabawal na droga na siya namang naging dahilan ng kanyang pagkakaaresto.


Samantala, makumpiska naman mula sa pag-iingat ni Ramos ang isang transparent plastic ng shabu at isang libong piso na may serial number na UG723165 na ginamit bilang pre marked money.

Agad na dinala si Ramos sa himpilan ng PNP Tumauini para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon

Facebook Comments