Tulak ng Marijuana sa Cauayan City Isabela, Patay Matapos Manlaban sa mga Pulis!

Cauayan City, Isabela – Dead on arrival sa pagamutan ang isang tulak ng marijuana matapos itong mabaril ng mga pulis dahil sa panlalaban sa ikinasang drug buy bust operation sa Brgy. Nagrumbuan, Cauayan City.

Kinilala ang nasawi na si Gilbert Guillermo, nasa tamang gulang at residente ng Arrelano, Aurora, Isabela.

Batay sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, nagsagawa ng operasyon ang PNP Cauayan kaugnay sa illegal na droga kung saan ay isang pulis ang nagpanggap na buyer ng suspek.


Sa kasagsagan ng operasyon ay napansin umano ni Guillermo na isang alagad ng batas ang kanyang katransaksyon kaya’t bumunot ng baril ngunit dumipensa naman ang pulis na nagresulta ng pagkakabaril ng suspek.

Kaagad na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan si Guillermo ngunit idineklarang dead on arrival na ito.

Nakuha naman mula sa suspek ang ang isang zip locked plastic ng marijuana, isang libong piso bilang marked money, isang pakete ng marijuana, isang caliber 45 na may magazine at naglalaman ng dalawang bala, maging 1 chamber na may laman ding bala.

Narekober din sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng caliber 45, at dalawang basyo ng 9MM.

Samantala, sa ngayon ay nasa isang funeral na ang bangkay ni Guillermo.

Facebook Comments