Tulak ng Shabu arestado ng PDEA ARMM

Arestado ng pinagsanib na pwersa ng PDEA ARMM , Maguindanao PNP at Sultan Mastura PNP ang sinasabing drug pusher na nag ooperate sa Cotabato City at mga kalapit bayan.

Kinilala ang nahuli na si Kurt Romulo Usman alyas Tongan , 27 anyos , residente ng Tamse Street, Poblacion 4 ng syudad. Nakumpisakhan ito ng 13 pirasong sachet ng shabu, marked money na 500 pesos at Skygo Motorcycle.

Naaresto ang suspek sa isinagawang buy bust operation, kasalukuyang nasa custody na ng PDEA ARMM ito at nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165.


Si Tongan ay dumagdag pa sa nagsisiksikan mga inmates sa Jail Facility ng PDEA ARMM.

Facebook Comments