Tulaoc Underpass sa NLEX Northbound sa Pampanga, tuloy-tuloy ang paglalagay ng sandbag

Tuloy tuloy pa rin ang paglalagay ng mga sandbag sa Tulaoc Underpass sa North Luzon Expressway (NLEX) Northbound.

Kapansin pansin na isang truck na naglalaman ng mga sandbag ang tuloy tuloy na nagbabawal at naglalatag ng sandbag.

Layunin nito na maharani na ang papasok ng tubig at tuluyang na rin na mahigop ang tubig sa NLEX at maayos na itong madadaanan ng mga motoristang patungong Norte.


Hindi lang natin alam kung kahapon pa ito nagsimula o kung ngayong-umaga.

Ngunit kapansin pansin na maraming bilang na ng sandbag ang nailatag sa gilid partikular sa may barandilya ng NLEX Northbound.

Samantalakaninang alas-5 ng umaga umaabot na sa mahigit dalawang kilometro na ang haba ng trapiko sa Northbound ng NLEX hanggang Tulaoc Underpass.

Sa Southbound naman nasa mahigit isang daang metro lang ang haba ng pagbagal ng usad ng mga sasakyan.

Facebook Comments