TULARAN | Canada, dapat gayahin ang SoKor na nangakong babawiin ang basurang ipinuslit sa Pilipinas – EcoWaste

Manila, Philippines – Nananawagan ang environmental group na EcoWaste Coalition sa gobyerno ng Canada na gayahin ang ginawa ng South Korea na nangakong babawiin ang mga basura na ipinuslit sa Pilipinas.

Ayon kay Manny Calonzo ng EcoWaste, hindi dapat kalimutan ang ginawang pagtambak ng Canada ng kanilang basura na kinabibilangan ng scrap metal, gamit nang mga diaper at iba pa sa Pilipinas noong taong 2013.

Tiniyan din ng grupo na patuloy nilang babantayan kung tuparin ng South Korea ang kanilang pangako.


Una nang inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na hindi sakop ng importation clearance ng kagawaran ang tone-toneladang basura na galing ng South Korea na idineklara bilang mga plastic o synthetic flakes.

Nauna nang tinukoy ng ministry of environment ng South Korea na kanilang iimbestigahan ang pagkakapuslit sa Pilipinas ng nasabing kargamento.

Facebook Comments