Tulay na matagal na kinubkob ng Maute Group sa Marawi City, nabawi na ng military; bilang ng nasawi sa bakbakan, umakyat na sa 578

Marawi City – Nabawi na ng militar mula sa Maute Terror Group ang Mapandi Bridge sa Marawi City.

Matatandaang may bandila pa noon ng ISIS sa tulay.

Ayon kay Joint Task Force Marawi Lt. Col. Jo-Ar Herrera – noong kamakalwa lang nang mabawi ng militar ang tulay sa mga terorista.


Problema pa rin ng AFP ang mga naka-posisyong sniper ng Maute sa war zone.

Sa loob ng 61 araw na bakbakan, umabot na sa 428 ang napatay na mga terorista, 105 sa tropa ng pamahalaan at 45 sa panig ng sibilyan.

Sinasabing nasa apat na barangay pa ang hawak ng nasa 70 hanggang 80 miyembro ng Maute Group.

Facebook Comments