Cauayan City, Isabela- Magtatayo ng tulay ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Barangay Wacal, Solano, Nueva Vizcaya.
Ito ay upang matulungan ang mga magsasaka sa kanilang hirap na transportasyon.
Sinabi ni Provincial Agrarian Reform Program officer Dindi Tan, ang Memorandum of Agreement (MOA) ay nilagdaan na sa pagitan ng DAR, DPWH at local government unit ng Solano para sa konstruksyon ng ‘Tulay ng Pangulo’ Project.
Nasa halagang P10 million steel/concrete ang Bridge project na higit na magbebenepisyo ang mga miyembro ng Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO) sa Barangay Wacal at mga kalapit na komunidad.
Samantala, sinabi ni Mayor Eufemia Dacayo na inspirasyon ito sa mga magsasaka para makapag-produce ng maraming produkto para sa sapat na pagkain.
Iginiit naman ng DPWH officials na ang proyekto ay inaasahang matatapos sa darating na November 2021.