Cauayan City – Tuluyan muling nalubog sa tubig-ilog ang Alicaocao Overflow Bridge dahil sa nararanasang mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw.
Dahil dito, pansamantala muli itong isinanara para sa lahat ng uri ng sasakyan, maliban na lamang sa mga motorized bangka na siyang ginagamit bilang transportasyon upang makatawid sa ilog.
Sa kasalukuyan, nasa 39.10 meters ang lebel ng tubig sa ilog at patuloy na inoobserbahan ng mga awtoridad ang magiging pagbabago ng antas nito sa mga susunod na oras.
Samantala, marami naman sa mga residente at may-ari ng mga single motorcycle ang pinipiling sumakay sa bangka sa halip na umikot pa sa Naguilian na doble ang layo.
Facebook Comments