Tulay sa Guindulungan pinasabugan

Tinangkang pabagsakin ng mga di nakilalang indibidwal ang Tambunan Bridge sa Guidulungan, Maguindanao pasado alas singko kahapon ng hapon.
Ang Tambunan Bridge ay isa sa mga tulay sa Maguindanao na nagdurugtong sa mga bayan ng lalawigan at Cotabato City.
Bagaman di nagdulot ng kasiraan sa tulay at wala namang may nasaktan, nagdulot pa rin ito ng pangamba sa mga residenteng naninirahan malapit sa pinangyarihan ng explosion.
Nagpapatuloy pa sa imbestigasyon ang Guindulungan MPS kung sino o anung grupo ang responsable sa pagpapasabog sa tulay . (DENNIS ARCON)

Facebook Comments