Tulay sa Negros Occidental, nabuwag nang dumaan ang isang 10-wheeler truck

613
(Photo from: Mark Delos Reyes Cabrillos)

NEGROS OCCIDENTAL – Nasira ang tulay sa isang bayan sa Negros nang dumaan ang isang 10-wheeler truck na may kargang soya beans.

Sa report ng awtoridad, hindi kinaya ng tulay sa Sitio Pangpang, Barangay Alijis ang bigat ng sasakyan na ayon sa ulat ay umatras pa para mag U-turn.


Ang naturang truck ay patungo sana sa isang poultry farm sa naturang barangay nang mangyari ang insidente.

Bagama’t bumigay ang buong tulay, wala namang naiulat na nasaktan sa nangyari.

Hindi rin daw apektado ang mga residente dahil may iba namang ruta na pwedeng daanan sa lugar.

Samantala, ayon sa pulisya ay kinakailangang magbayad ang tsuper sa lahat ng pinsalang nangyari sa tulay.

Facebook Comments