TULDOK-TULDOK | Artist sa France, gumugol ng ilang daang oras para makalikha ng obra

Manila, Philippines – Daan-daang oras ang ginugugol ng isang artist mula sa strasbourg, france sa paglikha ng kaniyang kakaibang mga obrang gawa sa milyun-milyong tuldok.

Ito ay si David bayo na gumagamit lamang ng tinta o lapis sa kanyang mga detalyadong obra sa isang puting canvas.

Gamit ang tuldok, nakalilikha siya ng mga nakamamanghang imahe na trending sa social media.


Talaga namang mapapa-“wow” ka sa mga obra ito na nagpapakita ng kanyang tiyaga at dedikasyon sa kaniyang mga sining.

Taong 2016 nang unang mapansin ang mga likha ni Bayo kung saan ang kaniyang obra na “Bahaus” na may isang milyong tuldok ay inabot lang naman ng 90 oras para matapos ito, habang inabot naman ng 300 oras ang obrang “Astree” na 3 milyong tuldok.

Ayon kay David, handa siyang maglaan ng daan-daang oras sa pagbuo ng mga likhang ito na kanyang kinahuhumalingan.

Kung sakaling nabuhay ni Bayo ang inyong mga natutulog na creative juices, maaaring panuorin ang kaniyang mga sped-up videos sa kaniyang youtube channel at instagram account.

Facebook Comments