TULONG | 300,000 estudyante, nabigyan ng sabsidiya mula sa gobyerno

Manila, Philippines – Nasa 300,000 mahirap na estudyante sa kolehiyo ang makatatanggap ng subsidy mula sa gobyerno.

Ito ay makaraang lagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at mga private higher education institution – Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST).

Bahagi ito ng implementasyon ng Tertiary Education Subsidy (TES) na nakapaloob sa Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act.


Ayon kay CHED at UniFAST governing board chairman Prospero De Vera, nasa P16 billion ang ilalaan ng national government bilang subsidiya.

Makikinabang aniya rito ang mahirap na estudyanteng mag-e-enroll para sa school year 2018-2019.

Saklaw ng subsidya ang tuition at iba pang school fees, allowance para sa mga libro, transportation, supplies, board at lodging fees at iba pang education expenses.

Facebook Comments