Abot na sa 32,000 na sako ng bigas ang naipamahagi ng National Food Authority (NFA) sa mga lugar na apektado ni bagyong Ompong.
Nasa 32,391 bags ng bigas ang ang ipinalabas sa mga relief agencies at Local Government Units (LGUs) sa Regions 1 hanggang 5 at sa NCR para sa distribusyon sa mga biktima ni Ompong.
Sa NCR, nasa 15,030 bags ang naipamahagi sa DSWD, 753 bags sa mga LGUs at 250 bags sa iba pang relief agencies.
Sa Region 2, halos naibagsak na sa ibat-ibang apektadong munisipalidad ang 2,594 bags ng bigas.
Sa Region 1, na-i-release na ang 8,158 bags, 1644 sa Region 3 at 2,605 bags naman sa Region 4.
Dahil sa tindi ng epekto ni Ompong partikukar sa kabuhayan ng mga magsasaka, tiniyak ng NFA na magpapalabas pa sila ng dagdag na relief supply sa Northern Luzon.
Mino-monitor pa rin ng NFA Operations Centers ang mga apektadong rehiyon para agad na makapagpadala ng ayuda.