TULONG | Anne Curtis, nag-donate sa UNICEF

Manila, Philippines – Feeling happy at fulfilled ang aktres na si Anne Curtis matapos na mai-turn over ang tseke na nagkakahalaga ng halos 7.5 million pesos sa United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Galing ito sa kinita ng kanyang “The Color Run Dream” project noong September 3 sa Mall of Asia (MOA) grounds.

Laking pasasalamat naman ng aktres sa lahat ng mga supporters na sumali sa fun run.


Say ni Anne, isa lang ito sa marami pang proyektong gagawin niya bilang isang celebrity advocate para sa mga bata katuwang ang UNICEF.

Target din daw niya na makapagpatayo ng mga classroom para sa mga kapus-palad na mag-aaral.

Para kay Anne, sobrang mahalaga ang edukasyon para sa mga bata.

Facebook Comments