Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na makakatanggap ng tulong pinansyal at iba pang benepisyo ang pamilya ng mga nasawi sa C-130 plane crash sa Sulu.
Ayon sa AFP, ang pamilya ng nasawing mga sundalo ay makakatanggap ng Command Special Financial Assistance base sa kanilang base pay, hazard pay at bonuses; funeral service support na P80,000; at buwang pensyon base sa kanilang ranggo at tagal sa serbisyo.
Ang mga beneficiaries ay tatanggap din ng P500,000 sa ilalim ng Office of the President’s Comprehensive Social Benefits Program gayundin ng shelter, health, education, at employment assistance.
Maliban dito, magbibigay rin si Sulu Vice Governor Abdusakur Mahail Tan ng P30,000 sa pamilya ng mga nasawing sundalo.
Ang 47 na sugatang sundalo naman ay makakatanggap ng kabuuang P37,000 at P15,000 mula kay Tan.