TULONG | Dalawang bilyong pondo, kailangan ng DTI upang maibangon ang kabuhayan sa Marawi

Manila, Philippines – Mangangailangan ang Department of Trade and Industry P2-bilyon upang pondohan ang mga programa nito upang maibalik ang livelihood activities o kabuhayan sa Marawi City at mga kalapit na lugar nito.

Ang hakbang ng departamento ay upang tulungan ang mga negosyante/mangangalakal sa Marawi City at mga kalapit lugar, pati na rin ang mga internal displaced persons (IDPs) dahil sa krisis sa Marawi.

Kabilang dito ang mga shared service facility, mobile rice mills, and tricycles, at microfinancing facilities at iba pa.


Layunin ng SSF na buhayin ang industriya sa Marawi tulad ng paghabi, woodworking, at brassware sa iba.

Mangangailangan din ng 6,000 tricycle units ang Marawi para sa mobility o paglipat ng mga tao at mga kalakal sa lugar.

Tinitingnan din ng DTI ang pagbibigay ng mas maraming mobile rice mill sa Marawi.

Bago pa man ang gyera sa Marawi noong Mayo 2017, ang lungsod ay sentro ng pangangalakal sa lalawigan at mga kalapit na lugar.

Facebook Comments