TULONG | DAR, may inihahandang programa para iangat pa ang kabuhayan ng mga magsasaka

Inanunsyo ni DAR Undersecretary Emily Padilla na may nakahanay na proyekto at programa ang ahensya para maangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka.

Nakatakda nilang ilunsad ang tinatawag na Convergence on Livelihood Assistance for Agrarian Reform Beneficiaries Project.

Layunin nito na bigyan at mapalawig ang negosyo ng mga magsasaka.


Binuksan kahapon ng DAR ang Christmas Bazaar na nagtatampok sa sari-saring paninda mula sa mga probinsya ng Pilipinas.

Maaring makabili ang publiko ng mura at kalidad na mga produktong ani at gawa ng mga agrarian reform beneficiaries gaya ng prutas, gulay, meat products, furniture at mga handicraft.

Bukas ang Tienda hanggang Disyembre 21 sa loob ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Ayon kay Padilla, Support Services lamang ito sa mga ayudang ibinibigay ng kagawaran sa mga magsasaka.

Facebook Comments